Sino ba si . . .

My photo
babae/ nurse/ midwife/ social scientist/ iska/ bookworm/ professional student/ dakilang tamad/ reklamador/ hamster lover/ eurasian/ isip bata/ pervert/ paniki/ introvert/ wannabe cook/ pseudo vegetarian

Monday, 4 February 2008

1st day

Kakauwi ko lang from duty
my first proper duty
as a registered nurse...
naka scrub suit...
walang c.i.
nakakaupo na sa likod ng station.

I dont know how to convey my utter
shall we say, content, not exactly happiness,
on being where i am right now.

After almost a year na nakatiwang-wang
nagamit ko ang skills ko kanina.
________________
Maaga ako dumating
nakapants pako
nagpaalam para magpalit ng scrubsuit
dahil nahihiya ako magbyahe ng ganun.

Nagpatour kami kay elaine
maliit man yung hospital
magaan ang pakiramdam ko dito...
maaliwalas...

Andun din si james na
bibo na sa pagasikaso ng pasyente
di tulad ng dati na nagpapaypay lang.

Iba talaga pag ikaw na lang talaga.

Nakapag-inject din kami sa baby
im, genta...
nakakaawa man
kailangan.
Nginig ako at si eileen...
nakakapanibago.

Nagtanggal na din me ng iv kanina
parang balik eskwela lang,
grabe...

Puro tawanan lang kami kanina,
kwentuhan, catching up sa mga buhay-buhay.
Nakakaaliw.

Sayang nga lang na pauwi na kami saka
may dumating na manganganak.
Sana bukas masanay nako
at di managapa...

3 comments:

Anonymous said...

san kaw nakaduty ngeon?

haha. masarap nga yan walang c.i na pakielamera haha.

go! go! go!sna maraming cases today :)

wanderingcommuter said...

wow, nurse...haay, sana nga lang hidni ako takot sa dugo!

Bulaang Katotohanan said...

icka

local lying-in lang dito, may nagaaffiliate daw dito kaya tingnan ko kung pano na ang mga pinaggagagawa ng nursing students ngayon.hahaha

wandering c.

shhh! secret natin to - takot ako sa sarili kong dugo pero yung sa iba i can tolerate.hahaha