Sino ba si . . .

My photo
babae/ nurse/ midwife/ social scientist/ iska/ bookworm/ professional student/ dakilang tamad/ reklamador/ hamster lover/ eurasian/ isip bata/ pervert/ paniki/ introvert/ wannabe cook/ pseudo vegetarian

Tuesday, 1 January 2008

Balon ng kamulatan

June 30, 2006

balon ng kamulatan

patuloy ang pagikot
ng mundo at
naiiwan ako
__________________
isang madilim na kwarto
na ang tanging sinag
ay nagmumula sa
maliit na butas ng doorknob
___________________
ang pag-aantay sa
oras na nakalipas na
___________________
ang pagsusulat ng isang
kaliwete sa blackboard,
walang natatapos
____________________
ang pagtingin sa araw
at ulap tuwing dapithapon
tanawing di na mauulit, babalik
o mangyayari pa muli
______________________
nalulunod ako sa
sarili ko...
_____________________
sa kakaisip...
kakaantay..
sa pag-intindi
sa pag-unawa
_____________________
mula sa balon ng aking
kaisipan
_________________
sumisigaw ako
at ako lang
ang nakakarinig
________________
maging ako
naririndi sa
alingawngaw
ng pagtangis
ng aking
kamulatan
_______________
titingala
na lamang ako
sa mataas na
lagusan ng
balon at
titingnan
ang buwan.

No comments: