Sino ba si . . .

My photo
babae/ nurse/ midwife/ social scientist/ iska/ bookworm/ professional student/ dakilang tamad/ reklamador/ hamster lover/ eurasian/ isip bata/ pervert/ paniki/ introvert/ wannabe cook/ pseudo vegetarian

Friday, 28 December 2007

My titser, my pren

August 31, 2005

my titser, my pren

AN ODE TO MY FORMER CLASSMATE NOW FRIEND AND TEACHER...

ang hirap no

maging hidden pasaway

tulad ng hidden tapsi

andyan ang karatula

pinapatalastas ang pagiging pasaway

pero bihira mo makitang magmanifest...

pero sakin lahat ng pasaway

flock together...

ganon tayo noon pa man

actually till ugod-ugod na tayo.

ang hirap din magsaway alam ko

lalo nakung gustong mo ring

pagtawanan yung kabalbalang

ginawa ng student mo

kaso, ngiti ka na lang

sabay sabi ...

"kayo talaga, pasaway kayo!"

pero deep inside gusto mong

ulit-ulitin gumulong sa pagtawa

try mo kayang tumalon

habang tumatawa

mahirap din magkaroon ng kaibigan

na tinuturuan

you might be accused

abused

and worse

used

pasalamat ka,

di ka carry ng mg students mo

mas napapaikot mo sila

di tulad ng iba

may favoritism na

sunod-sunuran pa sa students na kaclose nila

tipong namimili

di man lang i-uplift ang morale ng student

lalo pang nilulubog sa putik

tipong tulad nung isang episode ng Marimar

kung saan pinakuha ng bruhang kalaban kay Marimar

yung alahas sa putikan...

sa pamamagitan ng ngipin

basta parang ganun kasidhi...

siguro it comes with youth

pero tumatanda na tayo

lalo lang tayong nagiging open-minded

yung iba makitid na nga

wala pang mind so to speak-off

kaya sayo

saludo ako!!!!

dahil andyan ka

para magcapping sa kin

andyn ka para pasayahin at

libangin ako

andyan ka

para patabain ako

sa junk/street food

KWEK-KWEK

and most of all

dahil lang sa...

ANDIYAN KA

salamat!

No comments: